Tuesday , December 24 2024
Liza Diño FDCP

FDCP, magdaraos ng Gabi ng Selebrasyon para sa mga Tagumpay ng Pelikulang Pilipino

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay muling magpupugay sa mga   taong tinitingala sa industriya na nagpamalas ng galing, at sa kanilang mga pelikulang nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagwawagi ng mga awards at citations mula sa mga pinakaiginagalang na film festivals sa buong mundo, sa 6th Film Ambassador’s Night na gaganapin sa February 27, 2022 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater na muli nang binuksan para sa mga pagdaraos.

Taon-taon, pinararangalan ng Film Ambassador’s Night ang mga filmmakers na nakapagbigay karangalan sa Pilipinas nitong nakalipas na taon, mga pelikulang lumahok at ipinalabas sa mga internasyonal na film festival at nagpamalas sa galing ng mga Pilipino sa harap ng mundo. 

Sa nakalipas na limang taon ng pagtitipon-tipon ng ilan sa mga pinakamaningning na bituin ng industriya ng pelikulang Pilipino ay nagkaroon na ang FDCP ng kabuuang 319 Film Ambassadors at hahaba pa ang listahan sa pagdaragdag ng 77 honorees mula sa mga nagkamit ng parangal sa mga film festival noong 2021.

“It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shares their talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño. 

Itatanghal din sa taunang okasyon ang mga espesyal na pagpupugay ng gabi – ang Camera Obscura Award, ang pinakamataas na parangal ng FDCP na iginagawad sa mga filmmaker o pelikulang nagkamit ng katangi-tanging tagumpay (may dalawang tatanggap); A-list Winners, na mula sa mga nanalo sa mga top international film festival (may tatlong tatanggap); at ang Gabay ng Industriya Award (Ilaw ng Industriya at Haligi ng Industriya), na ibibigay sa mga natatanging indibidwal na may kinikilalang kontribusyon sa kanilang buhay at larangan at naging mga iginagalang na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga artistang pararangalan ay ibabahagi ng Ahensya sa mga darating na araw. 

Isang mapaghamong taon ang 2021 para sa industriya ng pelikula dahil sa global pandemic na humadlang sa kasiglahan ng film distribution, on-ground events, at filming logistics. Sa patuloy na pagbangon ng pelikulang Pilipino, ang patuloy na pagtatamo ng mga pagkilala at parangal ng mga pelikulang Pilipino mula sa mga pinapipitagang entablado ng mundo ay mga tagumpay na marapat ipagdiwang sa inaabangang okasyong ito.  

Ang 6th Film Ambassador’s Night ay isang ekslusibong event para sa mga honorees na gaganapin ngayong taon sa MET Theater — ang hiyas ng Maynila na nagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng pagkatatag, at ang siyang pinakaakmang lunan para sa mahalagang kaganapang ito. Ang event ay gagawin nang may hybrid format at ipapalabas sa FDCP Channel sa mga susunod na araw.

Narito ang listahan ng mga honorees ng Film Ambassador’s Night ngayong taon:

SHORT FILMS: Here, Here by Joanne Cesario, The Visitor by Joey Agbayani, Venganza by Joey Agbayani, Harana by Marie Jamora, My House by Adam Dumaguin, Confession by Arjanmar Rebeta, Miss You, George! by Mark Moneda, Ang Lihim Ni Lea by Rico Gutierrez, Filipiñana by Rafael Manuel, Naiiba (Unique) by Rey Coloma, Bukal (Wellspring) by Jeffrey Smith “Epy” Quizon, Mga Salitang Inanod (Drifted Thoughts) by Gabriel Carmelo, Iamannika by Dan Versoza, Mito Ng Maynila (Myth Of Manila) by Janus Victoria, Ora Miss Mo by Khent Cach, Ana Bikhayr (Okay Lang Ako) by Hannah Ragudos, Bakpak by Carlos Dala, Silang Mga Naligaw Sa Limot by Vahn Pascual, How To Die Young In Manila by Petersen Vargas, Siil by Will Fredo, at An Sadit Na Planeta by Arjanmar Rebeta.

Kabilang pa sa binigyan ng pagkilala ang kategoryang Short Film Actors, TV Documentary, Short Documentary, Full-length Documentary, Creative Awards sa actors, directors, at feature films. 

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …