ARESTADO ang anim na indibiduwal na sinasabing mga tigasin at may mga pagsuway na ginawa sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 6 Pebrero.
Dinakip ang mga suspek sa iba’t ibang krimen ng naganap sa mga bayan ng Balagtas, Marilao, Sta.Maria, at lungsod ng Malolos.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang mga suspek na sina Marcelo Harochoc; Marvin Harochoc, kapwa mula sa Brgy. Camangyan, Sta. Maria, na inaresto sa kasong Physical Injury, at Resistance and Disobedience to a Person in Authority; isang alyas Ariel ng Brgy. Loma De Gato, Marilao, sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law); Jicky Tismo ng Bgry. Borol 1st, Balagtas, para sa Physical Injury (Hacking Incident); Rommel Bangcato at Raymark Bangcato, kapwa mula sa Bgry. Catmon, Malolos, sa kasong Frustrated Homicide.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa mga reklamong kriminal na inihahanda na para idulog sa korte. (MICKA BAUTISTA)