Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mojack Morissette Amon Sam Concepcion

Mojack, excited na muling humataw sa concert scene sa Amerika

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang talented na singer/comedian/songwriter na si Mojack na excited na siyang muling mag-perform sa Tate.

Si Mojack ay bahagi ng Mad About Love concert nina Morissette Amon at Sam Concepcion na magaganap sa March 12, 2022 at ang venue ay sa Scottish Rite Center 1895 Camino del Rio S. San Diego, CA 92108.

Pahayag ni Mojack, “Ay naku! Sobra pa po sa pagka-excite for two years na hindi po ako nakasampa ng entablado, para akong nag-uumpisa ulit, hahaha! Isa pa, hindi sa nakasanayan kong lugar kaya start ulet po ako sa simula. Kung paano kunin o patawanin at paano kunin ang kiliti ng mga kababayan natin at kahit na ibang lahi dito sa Amerika.”

Dagdag niya, “Actually po this is not my first time to have a show in the US, kasi nag-solo show na rin po ako sa New York way back 2017. Ito ay sa Hinachi Hudson Mall, so thank God at napakabait Niya dahil sinuportahan ng mga kababayan po natin ang napakaikling preparation po na show ko roon, sa tulong din ng mga kababayan po natin at producers.”

Nagpasalamat din siya sa Diyos at sa isa sa producers ng show na si Ms. Jackie Dayoha dahil kahit pandemic ay nagkakaroon pa rin sila ng show.

“Ngayon naman po na pandemic, pasalamat pa rin po kami sa nasa Itaas dahil nagkakaroon pa rin tayo ng mangilan-ngilang show dito sa Tate.

“Salamat sa pagsuporta ni Ms. Jackie Dayoha sa karera ko sa industriya ng showbiz, dahil lagi siyang nandiyan kahit anong unos na po ang napagdaanan namin at gusto kaming buwagin, heto’t magkasama pa rin kami sa larangan ng entertainment,” ani Mojack.

Paano usually ang preparation niya sa mga ganitong concert?

“Kapag mga ganitong pagtatanghal, mini-mix ko po ang mga performance songs ko, pero ‘di mawawala ‘yung pinagsama kong Michael Jackson at Blakdyak. Meaning, maka-catch naman po siguro nila ‘yun, kasi pinagsama ko rin po ang icon ng ‘Pinas at Amerika sa isa kong pang-primetime,” sambit ni Mojack.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …