Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Tricycle sinalpok ng van; Ginang patay, 3 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang nang banggain ng isang van ang sinasakyang tricycle ng kanyang pamilya sa lungsod ng San Jose, lalawigan ng  Nueva Ecija, nitong Lunes, 17 Enero 2022.

Sa ulat mula sa San Jose CPS, kinilala ang biktimang si Anita Ecleo, 53 anyos, samantala sugatan ang kaniyang mister na si Joseph, pati ang isa nilang anak at isa pang kasama.

Batay sa kuha ng CCTV camera na hawak ng pulisya, nakitang tumawid sa intersection ng Maharlika Highway ang tricycle na minamaneho ni Joseph nang bigla silang salpukin ng humaharurot na van.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang tricycle, pero hindi nakita sa CCTV na tumilapon din palabas ang mga sakay nito.

Ayon sa isang anak ng biktima na si Honie, pauwi ang kaniyang mga magulang at kapatid nang mangyari ang insidente.

“Dadaan lang, bibili ng tinapay. ‘Yung truck napalampas pa nila, nalingon ni Papa sa kaliwa, sa kanan nakita naman niyang malayo pa ang van. Hindi naman niya sukat akalain na maabutan pa sila ng van,” kuwento niya.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na parehong hindi nag-menor ang dalawang sasakyan sa naturang crossing.

“Approaching main road, dapat titingnan niya muna bago siya mag-proceed. ‘Yung driver ng tricycle ay PWD, iisa ‘yung mata. Tapos may edad na rin si Tatay. Matulin din ‘yung van, ‘yon lang ang isang pagkakamali  ng van,” pahayag ni P/Cpl. Jefferson Cantor, imbestigador ng San Jose CPS.

Bukod sa pagkakaroon ng kapansanan sa mata, napag-alaman na wala rin pinanghahawakang lisensiya ang driver na PWD.

Samantala, pansamantalang nakalaya ang driver ng van matapos magbigay ng inisyal na tulong pinansiyal at nangakong tutulong sa gastusin sa pagpapalibing sa namatay na ginang. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …