Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Nahuli sa CCTV
SEKYU BANTAY-SALAKAY, KASABWAT TIMBOG

SA MAAGAP na responde ng mga awtoridad, agad nadakip ang dalawang kawatang bumibiktima sa isang establisimiyento sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 15 Enero.

Sa ulat mula sa Marilao Municipal Police Station (MPS) na pinamumuan ni P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Rodel Torres, security guard ng AFES Security Agency, at kanyang kasabwat na si Jopphe Naval, kapwa residente sa Pook Luwa­san, Brgy. Loma de Gato, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na sangkot si Torres sa mga serye ng nakawan sa loob ng binabantayang lugar kung saan nakunan siya sa CCTV na tangay-tangay ang apat na piraso ng hard disk para sa CCTV na may halagang P45,540.

Sinabi sa ulat, ginagawa ng suspek ang pagnanakaw habang siya ay naka-duty sa pagba­bantay sa establisimiyento na lingid sa kanya ay pinalagyan ng CCTV ng may-ari.

Nang maaresto si Torres, itinuro niya ang kasabwat na si Naval na nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Marilao MPS kung saan narekober ang dalawa sa apat na ninakaw na hard disks.

Nakakulong na ang bantay-salakay na sekyu at kanyang kasabwat sa Marilao MPS Jail habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …