ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto ng Beautéderm kabilang ang latest na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters. Kaya naman nagpasalamat siya sa Beautederm CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche Tan.
“Reiko and Kenzen ang new products ng Beautederm na favorite ko lahat, kasi useful talaga lahat for energy, immune system, pang-rest, at iba pa.
“Lahat ng products ni Ms. Rhea Tan ay top of the line. As a store/franchise owner, user and first ambassador ng Beautederm, masasabi ko na never akong napahiya ever since I started selling almost a decade ago. Lahat ng customers bumabalik at satisfied talaga,” masayang pahayag ni Ms. Alma.
Dagdag ng aktres, “Excited ako sa non-stop innovation ng Beautederm Corporation, nagsimula sa pagpapaganda ng panlabas/skin at tuloy na rin sa health & wellness. Saktong-sakto ang mga made in Japan na products nito na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for energy, immunity & sleep/relaxation na lahat ay importante sa ating buhay.
“Kaya walang sawang pasasalamat namin sa aming CEO Rhea Tan, ang sarap talagang mapasali sa kompanyang naggo-grow! She always surprises us ng mga ganitong pasabog at marami naman ang nabibiyayaan ng kanyang genius mind.”
Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.
Hinggil naman kay Cobie, may mga plano na ang aktres sa pag-graduate ng anak.
Aniya, “Mas simple na ang plano ko for this year, siguro nagme-mellow down na. By December kasi ay magga-graduate na si Cobie, so kaunting push na lang. Mayroon na rin siyang nahanap na work doon, kaya talagang he will spread his wings na. So sa parenting aspect, guide-guide na lang, ‘di tulad noong bata pa siya na 24/7 tutok sa paghatid-sundo, assignments, etc.
“Ga-graduate siya sa Fordham NY and I’m a proud mother of a Dean’s lister! Mag-i-start siya dapat ng January sa work, kaso mukhang delikado pa bumalik doon.”
Patuloy niya, “Excited na rin ako sa chapter na ito ng buhay ko, kasi masasabi ko na may mababawasang stress at back to focusing on myself naman… mas focus na sa Beautederm store ko at sa pagiging active sa showbiz din.”
Si Ms. Alma ay mapapanood sa mini-series na False Positive at Lolong serye na pagbibidahan ni Ruru Madrid, parehong sa GMA-7.