Thursday , May 8 2025
MMFF Parade of Stars

Fluvial Parade of Stars ng MMFF isasagawa sa Disyembre 19

MAKATI CITY, METRO MANILA (Disyembre 13, 2021) — Salamat sa gumandang sitwasyon sa Kalakhang Maynila at pagbaba ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19, itutuloy ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kauna-unahang Fluvial Parade of Stars na isasagawa sa Pasig River para markahan ang pagbabalik ng festival ngayong taon kasunod ng pagbubukas muli ng mga sinehan at pagpapaluwag ng mga quarantine restrictions sa Kamaynilaan.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF concurrent chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr., ang fluvial parade na itinakda sa 19 Disyembre ay magkakaroon ng mga ferry boat na magsisilbing floats na magdadala sa mga kalahok na celebrity ng mga pambatong movie entry sa film festival ngayong taon.

Inilinaw ni Abalos, ang fluvial parade ang humalili sa tradisyonal na motorcade upang maging maayos at kontrolado ang bilang ng mga taong nais makapanood ng aktibidad bilang highlight ng MMFF sa pagbabalik nito sa ilang mga sinehan sa Kamaynilaan sa panahon ng Kapaskuhan.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” wika ng dating alkalde ng lungsod ng Mandaluyong.

“Through this fluvial parade, we hope to encourage the public to ride the ferry service which sails from Pinagbuhatan in Pasig to Intramuros in Manila. This alternative transportation is traffic-free and you’ll get to appreciate the beauty of the river and the arts along the riverbanks,” dagdag nito.

Sa ruta ng parade, magsisimula ito sa Guadalupe Ferry Station sa lungsod ng Makati at dederetso pasilangan sa C-5 Bagong Ilog Bridge. Mula rito, babalik ito at titigil sa bahagi ng Pasig City saka dederetso sa Makati Circuit na endpoint o hantungan ng aktibidad.

Pinayohan ni Abalos ang mga motorista na isang lane lamang ng J.P. Rizal St., mula sa Guadalupe Ferry Station hanggang sa University of Makati ang gagamitin bilang drop-off point para sa kalahok at bisita ng MMFF habang ang mga motorista ay hindi papayagang pumarada sa alinmang bahagi ng kalsada na gagamitin sa kabuuan ng parada. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport …

Makati Taguig

EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC

NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng  temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa …

Benz Sangalang

Vivamax King na si Benz Sangalang tumawid sa mainstream, hahataw sa ‘Totoy Bato’ ng TV5

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGKAHALO ang naramdaman ng hunk actor na si Benz Sangalang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …