Saturday , May 10 2025
Jak Roberto Rita Daniela Joel Lamangan Albie Casiño

Joel Lamangan balik sa pelikulang walang hubaran

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

GOOD news! Binasag na ni Joel Lamangan ang reputasyon n’yang na-develop ngayong pandemya  bilang direktor ng mga pelikulang matindi ang appeal sa mga bading at ‘di-bading na laging sabik na makita kahit ilang sandali ang pinaka-pribadong bahagi ng katawan ng mga lalaki. 

Halos magkakabuntot ang pagdidirehe niya ng mga mapangahas na pelikula gaya ng Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Silab, Moonlight Butterfly, at Walker.

“Pambata ang bagong pelikulang ginagawa ni Direk Joel Lamangan sa Pampanga, ang ‘Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.’ bungad ng kaibigang Jerry Olea sa ulat n’ya sa entertainment website na PEP.ph.

Pangunahing bituin sa pelikula si Rita Daniela bilang isang guro na napadpad sa isang liblib na bayan, na ang mga bata ay tatlong taon nang natigil sa pag-aaral.

Nagka-engkuwentro kasi roon ang mga rebelde at militar, at ang mga bata ay nagtatrabaho na sa online gaming.

Pambata ang pelikula pero hindi ang titulo. Maiintindihan kaya ng mga bata ang salitang “madawag?” 

Eh ang buong titulo kaya na Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa naiintindihan man lang ng magiging adult viewers ng pelikula?

Kung tunog “madamo” sa inyo, ang  “madawag,” malapit-lapit na ‘yon na kahulugan ng “madawag.” Basta, hindi madaling pasukin at bagtasin (o sundan) ang madawag na daan. 

“Hindi maiintindihan,” pag-amin ni Direk Joel sa storycon ng pelikula noong Disyembre 3, ayon kay katotong Jerry. 

Paliwanag ni Direk Joel tungkol sa pelikula: “Kaya nga kailangan ng magulang, pampadami ng audience. Ang mga magulang ang magpapaliwanag sa bata.”

Patuloy niya, “Madawag, ano ba ‘yun? Ano ba ‘yung pinag-uusapan na ‘yan? Ano raw ‘yun? Eh, ‘di, pag-uusapan nila. 

“Ito ay isang uri ng pelikula na pag-iisipan ng mga manonood kung ano ba ang nais nating sabihin.”

‘Di naman siya nanibago sa paggawa ng pambatang pelikula. 

“Aba, mapangahas din ito! Kaya lang, hindi naghuhubad ang mapangahas dito!” bulalas na pagtutuwid ni Direk Joel.

“Ang mapangahas dito ay ang topic nito tungkol sa edukasyon ng mga kabataan. Iyon!

“Hindi naman mapangahas na kailangang magpakita ng puwet. Magpakita ng poklay. Hindi naman iyon ang kapangahasan lang.

“Maraming uri ng kapangahasan na dapat nating ipakita.Kapangahasan ng istorya. Ito ay isang uri ng pelikula na pag-iisipan ng mga manonood kung ano ba ang nais nating sabihin.”

Sina Jak Roberto at Albie Casiño ang leading men ni Rita sa pelikula.

Mapauso sana uli ni Direk Joel ang mga pelikulang mapangahas sa kakaibang paraan.

About Danny Vibas

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …