Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Labanan ng caravan umarangkada na

BULABUGIN
ni Jerry Yap

‘YAN na nga…umarangkada na ang caravan ng presidentiables.

        Hindi naman tayo maka-Leni, pero natatandaan natin, ang mga supporters nina Vice President Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan ang unang naglunsad ng “Para kay Leni” caravan.

        Marami ang nagulat sa caravan ng mga kakampink, dahil hindi biro ang dami ng mga sumamang sasakyan. 

        Kasunod nito ang caravan sa iba’t ibang lungsod sa mga probinsiya —  “Para kay Leni” pa rin..

        Motorcade naman ang iginimik ng kampo ng mga supporters ni presidentiable Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Ilocos Sur. Hawak daw nila ngayon ang record na “longest motorcade” sa buong bansa.

        Pero marami ang nagsasabing ang mga retratong naglabasan sa social media ay ‘nakaw’ na retrato mula sa ‘Red Shirt’ sa Bangkok noong Setyembre 19, 2010. Ang ‘Red Shirt’ protest sa Bangkok ay inorganisa ng supporters ni dating Thai prime minister Thaksin Shinawatra, na pinatalsik noong 2006. Ini-upload ito sa Wikimedia Commons ng isang user sa pangalang “Takeaway.”

         Ang nasabing retrato umano, ang ini-upload ng isang BBM supporter nitong Nobyembre 7, 2021.

         Pero ang sabi ng kampo nina presidentiable Manny Pacquiao, sila ang unang gumimik ng caravan. ‘Yun lang, hindi napag-usapan… hik hik hik.

        Anyway, ano ba ang silbi ng ‘caravan’ sa kampanya ng mga kandidato?! Para ba ‘literal’ na masabing nakalikha ng ‘bandwagon effect’ ang isang kandidato?

        Isang porma ng panghihikayat at pagkombinsi sa mga supporters at botante ang paglikha ng ‘bandwagon effect.’

Pero palagay natin, hindi na ito epektibo sa mga botante ngayon. Lalo’t malikot ang isip ng mga ‘spin

doctors’ o ‘political operators.’

        Mas pinaiikot nila sa isang ‘senaryo’ ang sambayanang Pinoy. 

        At dahil kapos sa masustansiyang detalye ang mass media, bukod pa sa manipuladong social media, nalilito ang isang pangkaraniwang mamamayan para magdesisyon kung sino ang kanyang pipiliing presidente.

        Gusto nating sabihin, hindi ang caravan at kulay, ang mag-aahon sa mga Pinoy sa kahirapan.

        Ang kailangan ay isang tunay na lider, may paninindigan sa kanyang mga pangako, hindi makasarili at hindi duwag, hindi kayang hawakan sa ilong ng kahit anong probetso at ganansiya, at higit sa lahat kayang ibuwis ang buhay laban sa umiiral na sistema ng korupsiyon at manipulasyon.

        Kayang magpausbong ng mga tunay na mahuhusay na lider para maraming pagpilian ang mga Filipino kung sino ang kanilang mga dapat iboto — para sa bayan, para sa pag-unlad, at  para sa tunay na pagbabago.

        ‘Yan po ang dapat nating tandaan!      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

       

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …