Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ambulance Boy Cruz, Cris Castro, Micka Bautista

Handog ni Mayor Boy Cruz tinanggap ni Konsehal Cris Castro
2 AMBULANSIYA SA 2 BARANGAY NG PANDI, BULACAN

MASAYANG TINANG­GAP ni Pandi Councilor Cris Castro nitong nakaraang 24 Oktubre 2021 ang dalawang ambulansiya na ipinag­kaloob ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz para sa dalawang barangay ng naturang bayan, sa lalawigan ng Bulacan.

Sa pagsuporta ni Mayor Boy Cruz, na tatakbong congressman sa ikalimang distrito ng Bulacan, isinabay na rin ang isang medical mission sa mga barangay ng Cacarong Bata at Cacarong Matanda, gamit ang isang high-tech na bus na kompleto sa kagamitan tulad ng X-ray, ultrasound, ECG, blood chemistry, at medical check-up.

Ayon kay Konsehal Cris, tatakbong mayor ng Pandi, una niyang nilapitan at kinausap si Mayor Boy Cruz hinggil sa problema ng mga barangay ng Cacarong Bata at Cacarong Matanda sa kawalan ng mga ambu­lansiya lalo at kailangan ito nang mana­lasa ang pan­demyang dulot ng CoVid-19.

Upang maiparating kay Mayor Cruz ang problema, personal siyang inanyayahan ni Konsehal Castro sa kanyang tahanan sa Brgy. Cacarong Bata kung saan siya nakatira.

Kinumbida rin ni Konsehal Castro sina Cacarong Matanda Brgy. Captain Gerry Cruz at Cacarong Bata Brgy. Captain Rady Estrella upang maiparating sa alkalde ang problema ng kanilang mga nasasa­kupan.

Habang humihigop ng mainit na sabaw sa inihan­dang alumusal, binanggit nina Konsehal Castro kay Mayor Cruz na kailangan nila ng ambulansiya upang mabilis na maiha­tid sa pagamutan ang mga kabarangay nilang nagkakasakit.

Hindi nag-atubili si Mayor Cruz at kinaling­guhan ay ipinahatid niya ang dalawang ambulan­siya na ginagamit na ngayon sa mga barangay ng Cacarong Bata at Cacarong Matanda.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …