Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Oteyza

AJ Oteyza, happy na nakapasok sa Joel Lamangan film na Walker

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KATATAPOS lang sumabak sa shooting ng pelikulang Walker si AJ Oteyza. Walker ang bagong tawag sa mga pokpok o prostitute.

Ang pelikula ay hinggil sa prostitusyon, in fact, makikita rito ang isang pamilya ng mga prostitute. Pati na ang masasamang elemento ng pulisya na nagpapahirap sa maraming tao.

Tampok dito sina Allen Dizon, Rita Avila, Sunshine Dizon, Edgar Allan Guzman, Elora Españo, Barbara Miguel, Dorothy Gilmore, Jim Pebanco, Dave Bornea, Rico Barrera, at iba pa.

Ipinahayag ng aktor ang kanyang kasiyahan na maging bahagi ng proyektong ito.

Saad ni AJ na kilala noon bilang Neil Suarez, “Masaya po ako na sa dinami-dami po ng puwedeng makuha sa role, isa po ako sa napili nila at gusto po uling makatrabaho. Sobrang blessed ko po, kasi lagi po nila akong naila-line up sa casting po.”

Si AJ ay gumaganap dito bilang si Rodel, kaibigan ni Emman (Edgar Allan) na miyembro ng underground rebel movement na hihikayatin siyang sumali sa kanilang samahan.

Ito na ang ika-apat na pelikulang nakasama niya si Direk Joel.

Wika ni AJ, “Pang-apat na movie ko na kay Direk Joel itong Walker. Nauna rito ang Anak ng Macho Dancer, sinundan ng Lockdown, tapos last month po ‘yung bago lang na pagbibidahan ni Christine Bermas, kasama sina Kit Thompson, Albie Casiño, Jolo Ejercito, at Ivan Carpiet. Ang title nito ay Moonlight Butterfly under 3:16 Media Network.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …