NAGING malaking balita sa social media ang naging sigawan nina Anthony Davis at Dwight Howard sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers laban sa Golden State Warriors.
Nang tanungin si Howard tungkol sa bulyawan nila pagkatapos ng laro, naging bokal ang Lakers big man sa katotohanan ng iringan nila ni Davis. Pero agad namang napayapa ng kanilang teammates ang dalawa.
“Oh, yeah. We squashed it right then and there,” sabi ni Howard sa Lakers postgame presser. “We just had a disagreement about something that was on the floor. We’re both very passionate about winning. We didn’t wanna lose this game.”
Ipinunto ni Dwight, ang tensiyon sa pagitan nila ni Davis ay dahil sa pareho nilang gustong manalo ang Lakers. Nakiusap is Howard na huwag nang palakihin ang isyu. Naayos na nila ang nasabing problema.
“We’re grown men. Things happen. But we already talked. Squashed it. There’s no issue between me and him. That’s my brother. That’s what I told him… We’re good. We squashed it. There’s no need to try to try to make it bigger than something else,” pagpapatuloy ng Lakers center.
May problema o wala, nangangapa ang Lakers sa huling dalawang laro nila ngayong season. Patuloy pa rin nilang hinahanap ang ‘rhythm’ para masungkit ang unang panalo sa liga.