Monday , December 23 2024
Drug den sa Subic sinalakay ng PDEA 6 drug suspek nasakote Micka Bautista

Drug den sa Subic sinalakay ng PDEA 6 drug suspek nasakote

NADAKIP ang anim na drug suspects nang salakayin ng mga awtoridad ang isang pina­niniwalaang drug den sa Purok 6, Dominic St., Brgy. Calapacuan, Subic, sa lalawigan ng Zambales, nitong Huwebes, 14 Oktubre.

Inilatag ang entrapment operation ng mga anti-narcotic operatives ng PDEA Region III, CIDG Zambales, at Subic Municipal Police Station (MPS).

Kinilala ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang ang mga naarestong suspek na sina Robert Bañaga, 42 anyos; Allan Salandan, 42 anyos; Jayson Tarales, 18 anyos; Sarman Acosta, 32 anyos; Elmer Tanamal, 50 anyos; at John Vincent Arizo, 28 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakompiska ng apat na selyadong plastic sachet na naglalaman ng halos 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000; sari-saring drug paraphernalia; at marked money na ginamit ng poseur buyer.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …