Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy. San Roque, sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 12 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Gapan City Police Station (CPS), kinilala ang dalawang napaslang na suspek na sina Randy Boy Acquiat, 33 anyos; at Jonathan Tipano, 33 anyos.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsagawa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Team ng Gapan CPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), laban sa dalawang suspek sa nabanggit na lugar kamakalawa.

Ayon kay Desamito, nang makabili ang isang poseur buyer ng ilegal na droga at akmang aarestohin, pero pumalag at nanlaban ang dalawa saka pinaputukan ang mga operatiba.

Ngunit sumablay ang dalawang suspek hanggang makaganti ng putok ang mga awtoridad na dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 15 plastic sachets ng hinihinalang shabu, aabot sa 75 gramo ang timbang, at tinatayang nagkakahalaga ng P500,000; isang kalibre .45 pistol; at isang kalibre .38 rebolber mula sa mga suspek.

Nagpapatuloy ang imbestistigasyon ng pulisya upang tukuyin ang mga kasabwat ng mga naitumbang suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …