Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

‘Mother and son tandem’ tiklo sa droga (Sa Zambales)

NABUWAG ang operasyon ng mag-inang pinanini­walaang kapwa high-profile personalities at nasa klasipikasyon na Regional Level Drug Watch List nang maaresto ng mga awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Sabado, 3 Oktubre.

Batay sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, dakong 1:45 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng SDEU, Subic MPS, at PDEU-Zambales ng buy bust operation sa Sitio Agusuhin, Brgy. Cawag, sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na target ng operasyon na sina Luzviminda Nipay, 67 anyos, at kanyang anak na si Rico Nipay, 33 anyos, kapwa mga residente sa naturang lugar.

Nakompiska mula sa mag-ina bilang ebidensiya ang 37 piraso ng selyadong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 29.9 gramo at DDB value na P203,320; isang pirasong P1,000 bill  na ginamit bilang marked money; at isang pouch.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 na inihahanda na upang ihain sa korte. (M. BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …