Thursday , December 19 2024
Jessy Daing, JCas Jesse, Over A Glass Or Two, Boy Abunda

Kuya Boy ine-enjoy ang farm sa Lipa

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SI Kuya Boy Abunda ang itinuturing na mentor ng mga sumabak na sa panayam sa mga celebrity sa iba’t ibang larangan na sina Jessy Daing at JCas Jesse na masasabing native New Yorkers na.

Mga Filipino sila na matagal ng nananahan sa Amerika. At nang dumating ang pandemya nakati-katihan nila ang tsumika sa mga kilalang personalidad sa pamamagitan ng kanilang Over A Glass Or Two (OAGOT) stream.

Hindi nga nila inakala na pagbibigyan sila ng King of Talk sa paanyaya nila.

At kamakailan, muling sumalang sa 4th edition ng programa si Kuya Boy. Matapos din naman ang may mahigit 200 episodes ng naibahagi ng programa sa YouTube at iba pang platforms.

If and when he feels he’s not okay, takbo lang sila ng partner niyang si Bong (Quintana) sa kanyang resthouse sa Lipa, Batangas. Na matagal na niyang na-acquire at sige lang sa kapapa-ayos.

Masarap nga kumain ng rambutan na pinipitas niya lang sa puno. O magnilay-nilay sa hanging bridge sa may sapa.

“It’s really a fun place. Pwede ka tumakbo, sayaw, pray, meditate, walk around. A good place. May times kasi even if I say it’s okay not to be okay, gusto ko pa rin ‘yung doon lang ako.”

Laging may magandang hatid ang pagsalang ni Kuya Boy sa nasabing programa. Lalo na kung panahon na ng TOFA (The Outstanding Filipinos in America Awards) para magbigay ng karangalan (11th year) sa ating mga kababayan na naging awardee na si Kuya Boy at ilang taon na ring nagho-host nito.

Lilipad sa New York si Kuya Boy para i-host ang 11th TOFA sa paanyayang muli ni Elton Lugay na gaganapin sa Weill Hall ng Carnegie Hall sa October 7, 2021.

Ngayong nalalapit na naman ang halalan, bunga ng isip nga ni Kuya Boy na dapat magsimula sa tahanan ang pag-uusap ng mga botante. Sa isang mag-anak na iba’t iba man ang mga pipiliin eh, nagkakaalaman ng mga rason kung bakit nila ihahalal ang isang kandidato. 

“A new concept of activism. ‘Yun ang sa akin na gusto ko ma-introduce. May friend ako, sa bahay nila they do a mock elections. Dalhin natin sa bahay natin. Let’s be involved. We are the governed. We are accountable and responsible for what we do as a country and as a people.”

Nausisa rin siya ng hosts sa panayam niya kay LJ Reyes. Na plano niyang dalawin at bisitahin ang binuksang cafe in New York.

At sa interbyu naman ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos, simple lang ang sinabi ni Kuya Boy, “It is what it is. Depende on which side of the lens you are looking in.”

Halos dalawang oras na namang inabot ang nasabing interbyuhan.

Ang tanong nga kay Kuya Boy ay kung may plano na ba siya na mapabilang sa public servants ng bansa.

Maraming beses na nga raw siyang inalok na tumakbo.

“’Am not closing my doors. But I am not excited to get into an electoral contest. You need an organization to run a country. You need a lot of money. Kung kaya ko gawin I’ll accept it. ‘Pag kailangan na next time. If not tatahimik ako. Sa 3rd time ‘pag kaya ko papatulan ko. I have a political consultation firm. Pero hindi ko ibibigay sa ‘yo…”

So many aspects. Na tanging ang King of Talk ang nakasasagot.

Nasa mundo na rin siya ng mga palabas digitally. Masusundan na raw siya sa The Boy Abunda Talk Channel niya.

Sundan na siya!

About Pilar Mateo

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …