Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach, Mystery Man

Mahirap maikompara kay Aga Muhlach

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALI ang ginagawa ng mga baguhang artista na sa hangad na mapag-usapan ay ikukompara ang sarili nila sa mga beterano at magagaling na actor. Ito naman sinasabi namin, dahil doon sa pakulo na sinasabi ng isang male star na siya raw ang gagawa ng isang role na dati nang nagawa ng actor na si Aga Muhlach.

Maling gimmick iyan. Hindi ba niya alam kung gaano kahusay
na actor si Aga? At dahil sa sinabi niyang iyon tiyak ikukompara siya ng audience sa galing ni Aga. Eh ano ang gagawin niya pagkatapos, kakanta siya ng “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough?”

Ang dapat nga sana hindi nila pinalabas na iyon ay nagawa na ni Aga. Dapat ginawa niya ang pinakamatinding magagawa niya at kung mapuri siya, maski na iyong mga bayarang troll lang ang pumuri sa kanya, at may maglakas loob na magsabing mas magaling siya sa performance ni Aga ng parehong role, iyon iyon.

Pero ngayon pa lang ikukompara mo ang sarili mo kay Aga? Aba napakataas na ambisyon iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …