Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando, Bulacan, Covid-19 vaccine

1K manggagawa sa konstruksiyon at manupaktura binakunahan (Sa Bulacan)

NAUNA nang binakunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 1,000 mangga­gawa sa industriya ng konstruk­siyon at manupaktura ng Sinovac vaccine bilang bahagi ng 10,000 target mabakunahan kaugnay ng pangako ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na mapadali para sa mga manggagawa sa ilalim ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021.

Sa ginanap na paglulunsad ng programa na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod ng Malolos nitong Linggo, 26 Setyembre, sinabi ni Gob. Daniel Fernando na hudyat ang mga katulad na programa sa pagbangon ng lokal at nasyonal na ekonomiya.

“Tunay na napakagandang oportunidad po nito para sa ating mga manggagawang Bulakenyo dahil may trabaho na, may bakuna pa. Tayo naman po sa pamahalaang panlalawigan at bilang bahagi ng People’s Agenda 10, sisiguraduhin natin na may masiglang kabuhayan, kalakalan, at trabaho para sa bawat Bulakenyo,” anang gobernador.

Samantala, umapela si Department of Labor and Employment (DOLE) Under­secretary Benjo Santos Bena­videz sa mga manggagawa, lalo sa mga nasa industriya ng konstruksiyon na magpabakuna, dahil ang mga bakuna ay libre, ligtas, at epektibo.

“Pauna pa lamang po ito. Sa mga susunod na linggo ay itutuloy natin ang pagpapa­bakuna sa mga manggagawa sa construction at manufacturing sectors kasama na po ang supply chain,” ani Usec. Benavidez.

Babakunahan kontra CoVid-19 ang natitirang hindi pa baku­nadong mga manggagawa ng konstruksiyon at manupaktura kung ano ang  mayroon sa araw ng kanilang iskedyul.

Layunin ng proyektong Reform. Rebound. Recover: 1 Million Jobs for 2021, na agarang makapagpadala ng mga manggagawang Pinoy sa construction, manufacturing, partikular sa semiconductors at electronics, tourism and hospitality, at export industries, sa ilalim ng policy environment na makatutulong sa paglikha ng trabaho sa buong bansa.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …