Friday , April 4 2025
PNP Guillermo Eleazar PDEA Wilkins Villanueva Hermogenes Ebdane 500 kilo shabu P3.4-B 4 Chinese national napatay Candelaria Zambales
PERSONAL na pinamahalaan sina PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, PDEA Director General Wilkins Villanueva, at Zambales Governor Hermogenes Ebdane, ang nasabat na 500 kilo ng hinihinalang shabu tinatayang aabot sa P3.4 bilyon ang halaga mula sa apat na Chinese national na napatay sa enkuwentro sa Candelaria, Zambales. Itinuturing itong pinakamalaking ‘biyahe’ ng shabu sa bansa. (MICKA BAUTISTA)

4 Chinese nationals dedo sa enkuwentro (P3.4-B shabu nasabat sa Zambales)

PATAY angapat na Chinese nationals sa itinuturing na pinakamalaking ‘biyahe’ ng ilegal na droga, sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Candelaria, lalawigan ng Zambales, iniulat kahapon.

Nasabat ng anti-narcotics operatives nitong Martes, 7 Setyembre, ang aabot sa 500 kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation laban sa apat na Chinese nationals na pinaniniwalaang pawang kasapi ng big time drug syndicate.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Gao Manzhu, 49 anyos; Hong Jianshe, 58 anyos; at Eddie Tan, 60 anyos, pawang mula sa Fujian, China; at Xu Youha, 50 anyos, mula sa Quezon City.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ikinasa ang operasyon katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng impormasyong ibinahagi ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Bureau of Customs.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isinagawa muna ang mahabang surveillance upang matunton at mamanmanan ang kilos ni Xu Youha, kinikilalang isa sa ‘key players’ ng mga ilegal na gawain kaugnay sa droga dito sa bansa.

Dito na isinakatuparan ng mga operatiba ang buy bust operation dakong 11:30 am sa Brgy. Libertador, sa nabanggit na bayan, matapos makipagnegosasyon ng poseur buyers para makabili ng isang kilong shabu mula sa grupo ni Xu Youha.

Nagsimula ang barilan sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga suspek nang magtangkang tumakas ang grupo ng Chinese nationals, na nagresulta sa kamatayan ni Xu Youha at ng kanyang tatlong kasamahan.

Nasamsam sa operasyon ang 500 kilo ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P3,400,000,000; kasama ang apat na baril, kotse, apat na cellphones, at dalawang Chinese passports.

Pahayag ni Villanueva, ipinuslit papasok ng bansa ang mga ilegal na droga sa pamamagitan ng pagdaan sa ‘international waters’ at kalaunan ay susunduuin ng mas maliit na sasakyang pandagat, saka kukunin ng mga lokal na illegal drugs distributor.

“Mayroon pa tayong pursuit na ginagawa from this operation. Hindi dito nagtatapos ang aming maigting na kampanya laban sa ilegal na droga dahil mayroon pa tayong hinahabol na mga sindikato,” ani Villanueva.

Samantala, sinabi ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar na nagpadala na sila ng mga helicopter at mga speedboat upang makatulong sa pursuit operation laban sa mga bangkang nagbiyahe ng mga nakompiskang droga. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *