Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 tulak, 5 pa deretso sa hoyo (Anti-crime ops ikinasa ng Bulacan PNP)

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magka­kahiwalay na anti-illegal drug operations, habang idineretso sa kulungan ang apat na kabilang sa listahan ng most wanted persons (MWPs) sa iba’t ibang operasyon laban sa krimen na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo, 5 Setyembre.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga nadakip na suspek sa ikinasang anti-illegal drug sting sa mga bayan ng  Angat at Balagtas na sina Virgilio Cruz, alyas Ver; at Jamarie Yu, kapwa residente sa Bgry. Poblacion, Baliuag; at Joel Anqui ng Brgy. Batia, Bocaue.

Nakompiska sa mga operasyon ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, motorsiklo na may sidecar, at buy bust money na dinala kasama ang mga suspek sa Bulacan Crime Laboratory Office para sa kaukulang pagsusuri.

Gayondin, nadakip ang tatlong suspek sa pagresponde ng mga awtoridad sa iba’t ibang insidente ng krimeng naganap sa mga bayan ng Baliuag at Guiguinto, at lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Ivy Bautista ng Brgy. Baliuag na dinakip sa entrapment operation ng mga elemento ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pagkakalat ng mga imported at untaxed cigarettes; Crisanto Surigao, Jr.,, ng Brgy. Poblacion, Baliuag sa kasong Physical Injury; at Rolando Mendoza, ng Brgy. Camarin, Caloocan sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nasakote rin sa inilatag na manhunt operation ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Hagonoy MPS ang suspek na kinilalang si Antonio Pangilinan, Jr., most wanted person ng bayan ng Hagonoy, residente sa Brgy. Sta. Elena, sa naturang bayan, sa krimeng Qualified Rape.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …