Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cigarette yosi sigarilyo

Pekeng yosi binebenta, tindera arestado 2 ACCERT volunteer tiklo sa damo

INARESTO ng mga awtoridad ang isang babaeng nagmamay-ari ng isang tindahan dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo samantala dalawang kabataang volunteer rin ang dinampot sa quarantine checkpoint dahil sa pag-iingat ng marijuana sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 1 Setyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naglatag ang mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ng entrapment/buy bust operation laban sa suspek na kinilalang si Ramona De Leon, may-ari ng Arnold’s Store sa  Brgy. Pinagbakahan, lungsod ng Malolos, dahil sa pagbebenta ng imported/untaxed cigarettes.

Naaktohan si De Leon na nagtitinda ng isang ream ng D&B cigarettes sa poseur buyer na naging hudyat ng pagdampot sa kanya.

Nakompiska mula sa suspek ang 32 ream ng D&B cigarettes, at walong ream ng Two Moon cigarettes.

Samantala, nadakip din ang dalawang ACCERT (Anti Crime and Community Emergency Response Team) volunteers na kinilalang sina Justine Ramos at Mark Joseph Libre, kapwa mula sa bayan ng Plaridel, dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga.

Lumitaw sa imbestigasyon na sinita ng mga awtoridad ang dalawang suspek at pinababa sa sinasakyang motorsiklo dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa quarantine checkpoint sa Cagayan Valley Road, Brgy. Sta Rita, sa bayan ng Guiguinto, 7:50 pm kamakalawa.

Nang buksan ni Justine ang compartment ng motorsiklo upang kunin ang OR at CR ng motorsiklo, nakita ng pulis ang selyadong ziplock bag na naglalaman ng tuyong dahon na hinihinalang marijuana.

Gayondin, nakuha ang isa pang selyadong ziplock bag na naglalaman din ng tuyong dahon ng marijuana mula sa suspek na si Mark Joseph. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …