Sunday , May 11 2025

Puganteng estapador, 4 pa nasakote sa Bulacan

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang lima kataong kinabibilangan ng isang estapador na malaon nang pinaghahanap ng batas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado, 28 Agosto, hanggang Linggo ng umaga, 29 Agosto.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang puganteng estapador na si Eduardo Bernardo, residen­te sa Brgy. Malipam­pang, bayan ng San Ildefonso, sa naturang lalawigan.

Nadakip si Bernardo ng mga operatiba ng Bulacan CIDG PFU at San Ildefonso Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Swindling o Estafa (RPC Art. 315 as amended by P.D 1689).

Kasunod nito, naaresto rin ng mga awtoridad ang apat pang suspek sa kanilang pagresponde sa iba’t ibang krimen sa mga lugar na nasasakupan ng Sta. Maria, Bocaue, at Bustos Municipal Police Stations.

Kinilala ang mga suspek na sina Rizalito Obrado at isang CICL (child in conflict with the law) na hindi pinangalanan, kapwa mga residente sa Brgy. Masuso, Pandi na inaresto ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS sa kasong Theft; Marlon Angeles ng San Juan Bautista, Brgy. Betis, Guagua, Pampanga, dinampot ng mga operatiba ng Bocaue MPS sa kasong Estafa; at Argel Joseph Francisco ng Brgy. Sabang, Baliwag, arestado ng Bustos MPS sa kasong Psychological Abuse kaugnay sa R.A. 7610 at Grave Threat.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *