I-FLEX
ni Jun Nardo
IKA-83RD birthday ni Mother Lily Monteverde kahapon, August 19. Isang virtual thanksgiving mass ang inihandog ng kanyang pamilya at mahal sa buhay sa kaaarawan niya.
Dinaluhan ng halos 100 persons ang virtual mass mula sa mga TV executives, directors, at entertainment press.
Si Bishop Socrates Villegas ang officiating priest. Isang virtual message ng pasasalamat ang inihatid ni Mother sa lahat ng dumalo at saka siya kinantahan.
Kung tumitigil na ang iba sa pagbilang ng kanilang edad habang nagkakaedad, hindi ugali ‘yon ni Mother.
“Let’s always celebrate life!” bahagi ng mensahe ng Regal matriarch.
Ang kaibahan sa 83rd birthday ni Mother Lily, siya ang nagpadala ng birthday present sa mga kaibigan na may card na, “I am blessed to have you as a friend. Thank you.”
Happy, happy birthday, Mother Lily!