BJMP personnel, PDLS 100% bakunado kontra Covid-19 (Sa Bocaue Municipal Jail)
NANAWAGAN ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga lokal na pamahalaan na ikonsidera ang persons deprived of liberty (PDL) sa kanilang vaccination rollout kontra CoVid-19.
Ito ang inihayag ni BJMP chief J/Director Allan Iral kasunod ng isinagawang pagbabakuna ng pamahalaang bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Bulacan sa kanilang 148 PDLs at 19 BJMP personnel sa Bocaue Municipal Jail.
Ayon kay Director Iral, dalawa sa mga nabakunahang PDL ay pawang nakatatanda o senior citizen habang 10 ay may comorbidities o iniindang karamdaman.
Target ng BJMP na matiyak na protektado rin ang lahat ng PDLs mula sa banta ng virus sa ilalim ng kanilang kampanyang: “Magkaisa para sa Bakuna Laban sa Pandemya” lalo’t ang mga PDL ay nakakulong sa enclosed spaces.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 10,459 tauhan ng BJMP at 1,766 PDLs na karamihan ay senior citizens at may comorbidities ang nabakunahan na. (MICKA BAUTISTA)