Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

13-anyos dalagita ginapang sa higaan

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos arestohin ng pulisya dahil sa pangmomolestiya sa isang batang babae sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Hunyo.
 
Sa ulat na ipinadala kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Rommel Cariaga, residente sa Brgy. Gaya-gaya, sa nabanggit na lungsod.
 
Nabatid, ang suspek at ang biktimang 13-anyos na Grade 7 pupil ay magkasamang nakatira sa isang bahay sa Brgy. Gaya-gaya kung saan naganap ang pangmomolestiya.
 
Dakong 3:00 am kamakalawa, habang mahimbing na natutulog ang biktima ay naalimpungatan siya nang maramdaman na may mga kamay na gumagalaw sa kanyang katawan.
 
Dito napamulagat ang biktima nang makita ang suspek na si Cariaga na handa siyang lapastanganin ngunit pinilit niyang manlaban upang ipagtanggol ang puri laban sa nakaambang panganib.
 
Sa pagpapagibik ng biktima, nagising ang mga kasama nila sa bahay kaya nataranta ang suspek na nagtangkang tumakas ngunit sa maagap na follow-up operation ay naaresto ng mga tauhan ng SJDM CPS. (MICKA BAUTISTA)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …