Monday , December 23 2024

7 pugante arestado, 14 iba pa nasakote (Sa 24-oras na police ops sa Bulacan)

HIMAS-REHAS ang pitong wanted persons samantala sunod-sunod na pinagdadampot ang 14 kataong lumabag sa batas sa serye ng kampanya laban sa krimen na ikinasa ng Bulacan PNP, mula 15-16 Hunyo ng umaga.
 
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip sa bisa ng mga warrant of arrest ang pitong suspek na pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang manhunt operations na inilatag ng tracker team ng mga pulisya ng Bocaue, Bustos, Calumpit, Malolos, Meycauayan, Pandi, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
 
Pinagdadampot ang mga suspek dahil sa mga kasong attempted homicide, paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), Slight Physical Injuries, Qualified Theft, paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children) at paglabag sa Liquior Ban.
Kasunod nito, arestado ang siyam na personalidad na sangkot sa droga sa iba’t ibang buy bust operations na ikinasa ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Baliwag, Malolos, Plaridel at San Jose Del Monte M/CPS.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 23 sachet ng hinihinalang shabu, cellphone, drug paraphernalia, at buy bust money.
 
Gayondin, naglatag ng follow-up operation ang magkasanib na puwersa ng Bulakan at Guiguinto MPS sa insidente ng carnapping na naganap sa Brgy. Panginay, Guiguinto na nagresulta sa pagkaaresto ni Ariel Dela Cruz, alyas Bochok ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.
 
Nabatid na tinangay ni alyas Bochock ang isang nakaparadang bisikleta ngunit agad naisumbong sa mga awtoridad kaya mabilis na nasakote ang suspek.
 
Nadakip din ng mga awtoridad ang dalawa pa sa magkahiwalay na insidente ng krimen na naganap sa mga bayan ng San Ildefonso at San Miguel.
 
Kinilala ang mga suspek na sina John Christian Santos ng Camias, San Miguel, arestado sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Act), Grave Threat at Alarm & Scandal; at Narcisco Garcia ng Gabihan, San Ildefonso na naaresto sa kasong Attempted Homicide at paglabag sa RA 10591. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *