Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Lasenggong soltero, kalaboso sa molestiya (Apat na dalagita, pinaghahalikan)

HOYO ang isang 54-anyos soltero matapos gawan ng kalaswaan ang apat na kapitbahay na pawang menor de edad na dalagita sa Malabon City, kamakalawa  ng hapon.

Sa loob na ng kulungan nagpawala ng tama sa alak ang suspek na kinilalang  si Danilo Garcia, walang trabaho at residente sa Don Basilio Bautista Blvd., Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Police Sub-Station 7.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot, nagkukuwentohan ang magka­kaibigang dalagita sa Bantayan St., Brgy Hulong Duhat dakong 5:00 pm nang dumaan si Garcia na noo’y nasa impluwensiya ng alak at hinalikan sa pisngi ang 15-anyos at 16-anyos na dalagita.

Binalingan din ng suspek ang 14-anyos at 15-anyos na kasa­mahan ng dalawang naunang biktima at hinalikan sa labi.

Sa takot ng mga dalagita, nagtatakbo kaagad palayo sa suspek at isinumbong sa kani-kanilang mga magulang ang ginawang kalaswaan sa kanila ng lalaki.

Humingi ng tulong kay P/EMSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7 ang mga magulang ng dalagita na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …