Monday , August 11 2025

Tren sa Bulacan bibiyahe na sa Disyembre 2021

MAGSISIMULA ang unang biyahe ng mga tren ng North-South Commuter Railway o NSCR Project Phase 1 sa inisyal na ruta nito mula lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan hanggang lungsod ng Valenzuela sa Disyembre 2021.
 
Ipinahayag ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa magkasunod na inspeksiyon sa kasalukuyang konstruksiyon ng Meycauayan Station at sa depot o magiging garahe ng mga tren na matatagpuan sa hangganan ng Brgy. Bangkal, lungsod ng Meycauayan at Malanday, lungsod ng Valenzuela.
 
Ipinaliwanag ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, dahil nasa Valenzuela ang depot, magmumula rito ang mga tren patungong Malolos at pabalik.
 
Ibig sabihin, magiging inisyal na biyahe ng tren ang paghinto sa mga estasyon ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at sa Malolos.
 
Sisimulan ang paglalatag ng mga riles ng NSCR na at-grade o iyong nakababa sa lupa.
 
Tatakbo ito sa ilalim ng bagong tayong NLEX-North Harbor Link elevated expressway sa bahagi ng Valenzuela hanggang lungsod ng Caloocan at magiging elevated mula sa isang bahagi ng Caloocan hanggang sa Tutuban, sa lungsod ng Maynila.
 
Samantala, target sa taon 2022 na makatakbo ang mga tren ng NSCR Phase 1 sa kabuuang 38-kilometrong ruta mula sa Malolos hanggang sa Tutuban.
 
Sa kasalukuyan, naitayo ang mga poste sa daraanan ng NSCR Phase 1 sa lungsod ng Meycauayan habang ikakalso ang fabricated girders sa magiging Meycauayan station.
 
Naibaon na rin ang pundasyon ng magiging poste ng Marilao station at inihahanda na ang pagtawid ng elevated railway track sa Marilao-Meycauayan-Obando River System.
 
Sunod-sunod nang naitayo ang mga poste sa Bocaue, Balagtas at Guiguinto samantala nagkakahugis ang magiging Balagtas station at ang Malolos station.
 
Bilang paghahanda sa partial operability sa Disyembre 2021, idinagdag ni Tugade na nakatakda sa Setyembre 2021 ang installation ng Train Simulator bilang bahagi ng training ng magiging mga operator ng tren na magiging bahagi ng itinatayong Philippine Railways Institute. (MICKA BAUTISTA)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala …

Agham ay ramdam, sa Bagong Pilipinas — Solidum

Agham ay ramdam, sa Bagong Pilipinas— Solidum

JUST after the fourth State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand R. Marcos …

Alagang Suki Fest Gary V Bini Belle Mariano Darren

Gary walang kupas sa paghataw; Alagang Suki Fest 2025 makasaysayan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALA pa ring kupas ang isang Gary Valenciano kapag nagpe-perform. Muli, pinatunayan niyang …

Kaila Estrada Sante BarleyMax

Kaila Estrada, isinasabuhay kahalagahan ng holistic well-being bilang Santé BarleyMax ambassador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALAMIN kung paano isinasabuhay ni Kaila Estrada ang kahalagahan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *