NAARESTO ng magkasanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos City Police Station (CPS) at 70th Infantry Batallion ng Philippine Army ang isang aktibong miyembro ng CPP-NPA sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.
Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, hepe ng Malolos CPS, kinilala ang nadakip na si Dionisio Evangelista, alyas Ka Diony, 68 anyos, binata, driver at residente sa Infanta St., Brgy. Anilao, sa naturang lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Danilo Torres, may hawak ng kaso, bandang 4:00 pm nitong Martes, 18 Mayo, nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ng team leader nitong si P/CMSgt. Jayson Salvador kasama ang intelligence unit ng militar laban sa suspek na agad naaresto nang makabili ang nagpanggap na poseur buyer ng ilegal na droga.
Bukod sa ilegal na droga, nakompiska din mula sa suspek ang mga subersibong dokumento na noong una ay ikinatuwirang iniwan sa kanya ng isang babae na hindi binanggit ang pangalan.
Nabatid, tatlong buwang isinailalim sa surveillance ng pulisya at militar si Evangelista dahil sa impormasyon na bukod sa sangkot sa ilegal na droga ay aktibo rin bilang kasapi ng makakaliwang grupo.
Ayon kay Salvador, sa isinagawang interogasyon ay inamin ni Evangelista na isa siyang aktibong kasapi ng CPP/NPA at noong 2005 nang siya sumapi sa mga rebelde sa lalawigan ng Bataan.
Bumaba umano ng kabundukan ang suspek matapos magkasakit ng malaria noong 2010 ngunit naging bahagi pa rin sa mga kilos protesta mula sa hanay ng mga aktibista na tahasang lumalaban sa pamahalaan.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang limang piraso ng selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy bust money, isang coin purse, isang ITEL keypad cellphone, isang Kymco XTR motorcycle, ptiong bala para sa carbine, tatlong planner, dalawang libro ng NPA , dalawang Kenwood 2-way radio, dalawang radyo, NPA leaflets, at ilang piraso ng military uniform. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …