Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Araw ng Paglingap ng INC itinakda tuwing 10 Mayo sa Bulacan

IDINEKLARA ni Gob. Daniel Fernando sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 17 Serye 2021, ang 10 Mayo bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa lalawigan ng Bulacan o “Humanity Day of the Iglesia Ni Cristo” na epektibo sa araw ng kanyang paglagda noong 30 Abril 2021.

“Bilang pagkilala po sa mga naiambag at patuloy na ibinabahagi ng ating kapatiran sa INC sa ikabubuti ng lipunan, lalo sa lalawigan ng Bulacan, atin pong bibigyang-halaga ang nasabing araw bilang parangal sa kapanganakan ng kanilang dakilang tagapagtatag na si Ministrong Tagapagpaganap Felix Y. Manalo,” ani Fernando.

Ito ang binigyang diin ng gobernador sa maikling programa na “Iglesia Ni Cristo Lingap Sa Mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos.

Bilang bahagi ng paglingap ng INC, nagkaloob ng 2,000 food packs na kabilang sa 4,000 kabuuang ayuda na ipamamahagi sa mga Bulakenyo.

Layon nitong mabawasan ang paghihirap sa panahon ng pandemya dulot ng CoVid-19 at makatulong sa CoVid-19 response ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando.

Hindi na bago ang isinasagawang pagtulong ng INC gaya noong nagsimulang manalasa ang CoVid-19, isa sila sa nagbukas ng pintuan upang pansamantalang gawing quarantine area at treatment facility ang Philippine Arena sa Bocaue.

Bukod sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo buhat nang itinatag ito noong 27 Hulyo 1914, kabalikat na ng pamahalaan ang INC sa hindi matatawarang paglilingkod sa mga mamamayan.

Sa huli, sinabi ng gobernador, upang mas lalo pang tumibay ang nasabing pagkilala, magsusumite siya ng kahilingan sa Sangguniang Panlalawigan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …