Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

15 lawbreakers tiklo sa Bulacan PNP (Sa walang tigil na operasyon kontra krimen)

NAGBUNGA ang tigil na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nang maaresto ang 15 kataong pawang may nakabinbing asunto hanggang kahapon, 21 Abril.

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Rafael MPS at San Jose Del Monte CPS ang tatlong drug suspects na kinilalang sina Francis Darwin Calata, alyas Darius ng Caingin, San Rafael; Reno Clores at Jermaine Arce, kapwa residente sa Kaypian, San Jose Del Monte, nakuhaan ng 11 sachet ng hinihinalang shabu, motorsiklo, at buy bust money.

Samantala, nadakip ang apat na sugarol sa anti-illegal gambling operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga elemento ng Balagtas Municipal Police Station (MPS).

Kinilala ang mga suspek na sina Delia Laylay ng San Juan, Balagtas; Maria Theresa David, Samuelito Dionisio, at Emma Lim, pawang mga residente sa Wawa, Balagtas, sa nabanggit na lalawigan.

Naaktohan sila ng mga awtoridad na nagsusugal ng ‘pusoy’ at nakompiska mula sa kanila ang mga baraha at bet money na nagkakahalaga ng P2,680.

Nadakip ang isa pang suspek na kinilalang si Mark Piolo Mamangon ng Pabahay 2000, Muzon, San Jose del Monte, dahil sa kasong qualified theft na naganap sa loob ng Puregold groceries store sa Brgy. Loma de Gato, sa bayan ng Marilao.

Naaresto rin ang pitong wanted persons sa iba’t ibang manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng Baliwag, Bocaue, Meycauayan, Plaridel, Pulilan, San Miguel, Sta. Maria Police Stations, at 2nd Provincial Mobile Force Company.

Kinilala ang mga natiklong pinaghahanap ng batas, sa bisa ng iba’t ibang warrant of arrest, na sina Norman Nogueras ng Paltao, Pulilan sa kasong robbery; Lulu Espedido ng Banga 2nd, Plaridel, sa kasong grave oral defamation; William Cortez ng Sta. Barbara, Baliuag sa paglabag sa RPC Art 4136 o Land Transportation and Traffic Code; Crisencio Orito ng Muzon, San Jose del Monte, sa tatlong bilang ng kasong qualified theft; Eduardo Berganio ng lungsod ng Caloocan; Alfredo Tambubong, ng Bocaue; at Marlon De Jesus ng Masalipit, San Miguel, na inaresto sa pare-parehong kaso ng paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and Their Children.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …