Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis, 3 pusakal na bukas kotse arestado, 2 nakatakas (Dumayo sa Bulacan para magbasag kotse)

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang miyembro ng Basag Kotse Gang ng Maynila na dumayo sa lalawigan ng Bulacan, gayondin ang pulis na nagtangkang arborin ang mga suspek.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong suspek na sina Allen Alvarado, John Fizer Salvador, Juvito Salvador, at P/Cpl. Mark Edison Quinton, nakatalaga sa Manila Police District, pawang mga residente sa Tondo, sa lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat, nakita ng biktimang si Melquiades Silencio ang insidente ng pambabasag ng apat na suspek sa kanyang kotse na puting Ford Ranger sa Brgy. Cruz na Daan, sa bayan ng San Rafael, sa nabanggit na lalawigan.

Matapos mai-report, agad tinugis ng mga kagawad ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) at nakipag-ugnayan s1a mga karatig na himpilan ng pulisya.

Nasakote ang mga suspek na sina Alvarado at Salvador sa Quarantine Control Point sa Brgy. Garlang, bayan ng San Ildefonso, sa naturang lalawigan, sakay ng isang itim na Yamaha NMAX na nagsilbi nilang getaway vehicle habang nakatakas ang dalawa pa nilang kasamang kinilalang sina Crismelle Chico, at isang alyas Saddam.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, kargado ng dalawang bala, isang granada, at tatlong sachets ng hinihinalang shabu.

Kaugnay nito, dumating sina P/Cpl. Quinton at Juvito Salvador sa San Ildefonso MPS at nagpakilalang mga police officer ng Manila Police District at nagtatanong sa kanilang mga kamag-anak na inaresto sa checkpoint ng mga tauhan ng natu­rang himpilan.

Nang usisain ang kanilang mga ID, agad tumakas ang dalawa sakay ng isang puting Ford Everest patungong San Miguel, Bulacan.

Agad nakipag-ugnayan ang San Ildefonso MPS at nag-check sa Bulacan Tactical Operation Center, na may ko­ordi­nasyon ang MPD, ngunit wala umanong koordi­nasyon na naitala.

Nakipag-ugnayan ang San Ildefonso MPS sa San Miguel Police station at nag-request na parahin at pigilan ang nasabing sasakyan.

Sa Quarantine Control Point, natuklasan ng mga pulis na bukod sa dala­wang suspek ay may iba pang mga pasahero ang sasakyan na unauthorized persons outside residence (UPOR).

Lumilitaw sa imbesti­ga­syon, ang mga suspek ay hinahanap ang mga sangkot sa insidente ng basag-kotse sa bayan ng San Rafael na naaresto nang araw na iyon.

Pinaniniwalaang mga miyembro ng notoryus na Liber Paulino group, isang grupo ng basag kotse na kumikilos sa NCR, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Nahaharap sa paglabag sa RA 9165, RA 10591, at RA 9516 sina Alvarado, Salvador, Chico, at alyas Saddam, saman­tala, sasampahan ng kasong Usurpation of Authority at paglabag sa RA 1332 sina P/Cpl. Quinton at Juvito Salvador.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …