Sunday , November 24 2024

29 deputy speakers ‘scandal’ sa kamara

SINABI ng isang political analyst na ang pagkakaroon ng 29 deputy speakers sa Kamara ay isang malaking eskandalo.

        Saan ka nga naman nakakita na 29 mambabatas ay pawang deputy speakers?!

        Only in the Philippines! Hik hik hik…

        Mismong ang batikang political analyst na si Ramon “Mon” Casiple ang nagsabing hindi kailangan ng ganoon karaming deputy speaker (DS) sa Mababang Kapulungan.

        Aniya, wala naman naipakikitang nagagawa, sa halip, habang dumarami ang itinatalagang deputy speakers ay lalong lumalaki ang gastos.

        Lumalabas tuloy na ‘political accommodation’ ang rason kung bakit nabigyan ng puwesto ang mga kongresista na naging instrumental sa pag-upo bilang House Speaker ni Velasco.

        “It’s a very partisan move. Wala naman malaking nagawa, naging hatian lang ng pera,” paliwanag ni Casiple.

Siyam pang sumuporta kay Velasco sa speakership row ang pinaniniwalaang ‘niregalohan’ ng Deputy Speakership, ang 29 kabuuang bilang ng Deputy Speaker ang pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara.

        Ang siyam na bagong DS ay sina Arnolfo Teves, Jr., Negros Oriental 3rd District; Rimpy Bondoc, Pampanga 4th District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga del Sur 1st District; Rogelio Pacquiao, Sarangani; Bienvenido Abante, Jr., Manila 6th District, at ang dalawang kapwa kinatawan ng Valenzuela na sina 2nd District Rep. Weslie Gatchalian, at 1st District Rep. Eric Martinez.

        Isang dating self-confessed drug user si Teves. Ang unang nagpalutang sa isyung hindi patas na hatian sa pondo ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit nang maipasa ang P4.5-trilyong 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay lumitaw na mas tumaas pa ang budget ng mga kongresista na nabigyan ng P650 milyon hanggang P15 bilyon bawat isa sa infrastructure allocation.

        Si Las Piñas Rep. Camille Villar ay itinalaga rin bilang deputy speaker ngunit tinanggihan niya ito.

        Pero sa website ng Kamara, makikita pa rin ang pangalan ni Villar bilang Deputy Speaker, kung hindi tatanggapin ni Velasco ang kanyang pagtanggi sa puwesto ay aabot sa 29 kongresista ang nasabing posisyon.

        Isang plum post ang deputy speakership sa Kamara dahil bukod sa pagiging senior position ay may kaakibat din itong ‘perks’ gaya ng budget na P200 milyon at pagkakaroon ng voting powers.

        Una nang ipinaliwanag ni UP Political Science Assistant Professor Jean Franco na habang dumarami ang deputy speakers ay nadaragdagan din ang gastos.

        Halimbawa umano, kapag itinalagang deputy speaker ay magkakaroon ng opisina, dagdag na staff at budget.

        “Aside from the regular office budget one enjoys simply for being a congressman. You have your own budget, you can have at least 6 staff tapos mayroon ka pang district staff. ‘Pag may committee, that’s additional budget and of course, you’re able to travel, may perks of travelling. Aside from having a staff, you have a budget also sa district office mo,” nauna nang paliwanag ni Franco.

        Sa 2017 report ng Commission on Audit (COA) lumilitaw na P4.89 bilyon ang nagastos sa mga tanggapan ng mga kongresista.

Kung sa 14 deputy speakers noon ay malaki na ang ginastos, tiyak na dodoble ngayong 29 na ang deputy speakers.

        Ay-yay-yay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *