Saturday , November 16 2024

Duterte ‘umamin’ sa drug war killings

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutan ang mga patayan bunsod ng isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon.

“If there’s killing there, I’m saying I’m the one… you can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

Ito ang unang malinaw na pag-amin ni Pangulong Duterte sa posibilidad na uulanin siya ng kasong kriminal pagbaba sa puwesto kaugnay sa drug war na ikinasawi ng halos 6,000 katao mula noong 2016.

“If you get killed it’s because I’m enraged by drugs. If that’s what I’m saying, bring me to court to be imprisoned. Fine, I have no problem. If I serve my country by going to jail, gladly,”sabi niya.

Ngunit ang mga patayan aniya na hindi naganap sa police operation ay hindi dapat isisi sa kanya dahil posibleng kagagagawan ito ng kalabang sindikato o onsehan.

“Pero ‘yung random killings diyan, hindi ko alam kung rivals sila, o utang, o tinakbo ba ‘yung pera ng — hindi nag-remit sa pera ng droga, or it could be hatred and something else. It could be a fight over a woman,” dagdag niya.

Para sa Pangulo, hindi crime against humanity ang pagpatay sa libo-libong katao na umano’y sangkot sa illegal drugs dahil ang problema sa ipinagbabawal na gamot ay itinuturing niyang banta sa national security at publiko.

Dalawang reklamong crime against human at mass murder kaugnay sa kanyang drug war ang isinampa laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court.

Bilang tugon sa reklamo, inalis ni Pangulong Duterte ang Filipinas sa world tribunal noong 2018 ngunit tiniyak ng ICC prosecutor na magpapatuloy ang pagbusisi sa mga reklamo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *