Tuesday , April 15 2025

Kung dehado, pasaklolo sa Korte Suprema (Palasyo sa kritiko ng Anti-Terror Law)

ITINUTURING ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) chairman Edre Olalia na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terror Act ay paglabag sa batayang karapatang pantao at Konstitusyon.

Gayonman, hinimok ng Palasyo ang mga kritiko ng Anti-Terror Act na magpasaklolo sa Korte Suprema kung sa tingin nila’y dehado sila sa inilabas na IRR ng Department of Justice (DOJ) para sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na batas.

Partikular na inaalmahan ng mga kritiko ang nakasaad sa Rule 6.5 ng IRR na ang Anti-Terrorism Council (ATC), binubuo ng mga miyembro ng gabinete, ay maglalabas ng mga resolution na nagbabansag sa grupo o tao na pinaghihinalaang terorista at ilalathala ito online o sa kanilang website, sa Official Gazette at sa isang national newspaper kahit wala pang desisyon sa kasong isinampa laban sa kanila.

Ilan sa mga umalma sa IRR ang NUPL, Integrated Bar of the Philippines (IBP), at Bayan Muna partylist.

“Well, mayroon naman pong determination na mangyayari bago po sila mag-classify, ang isang tao as being terrorist. Kinakailangan pong ma-involve iyong buong Anti-Terrorism Council ‘no. So hindi po pupuwedeng banta-banta lang iyan or tagging lang iyan; kinakailangan mayroon naman pong factual basis before it is published,” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

“In any case, as I said earlier, kung sa tingin po nila this is a violation of any right, they’re welcome to seek relief po sa ating Korte Suprema,” dagdag niya.

Kapag hindi pinigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad sa Anti-Terror Law batay sa 37 petisyon laban rito, sa Biyernes (23 OKtubre) na ang simula ng implementasyon ng kontrobersiyal na batas.

Para kay IBP national president Domingo Cayosa, ang mga binansagang terorista ay hindi aabisohan ng ATC bago ilathala ang kanilang mga pangalan kaya peligroso ito, maaaring maging banta sa kanilang seguridad at wala silang proteksiyon laban sa mga taong nais silang ipahamak.

“Even at the start, you will be at a disadvantaged. You are already prejudiced (against). Your security is threatened. People can take action against you. You are not protected at all,” ani Cayosa sa panayam sa DZBB. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *