NAKATANGGAP ng tulong mula kay Senate Committee on Health Senator Christopher “Bong” Go ang mga nakarekober sa CoVid-19 sa Samar.
Kasabay ito ng pagtiyak ni Go ng patuloy na tulong ng gobyerno sa kanila at mga biktima ng pandemyang CoVid-19.
Dala ng mga naatasang staff ng tanggapan ni Go ang mga tulong sa isinagawang distribution activities sa Samar National High School at Catbalogan V Central Elementary School sa Catbalogan City, Samar.
Kabilang sa mga dalang tulong ng grupo ay food packages, mask at face shields sa 226 benepisaryo.
Bukod dito, binigyan din ng libreng bisikleta ang pinakamahihirap na residente para may magamit sila sa paghahanapbuhay.
Kasama ng grupo ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namigay ng financial assistance habang nangako ang Department of Trade and Industry (DTI) na tutulong para sa livelihood ng mga residente sa pamamagitan ng
‘Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa’ program.
Sa pamamagitan ng video message, pinaalalahanan ni Go ang mga mamamayan na sumunod sa health at safety protocol gaya ng paghuhugas ng kamay, physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.
Tiniyak ni Go na uunahin ng pamahalaan ang mahihirap at vulnerable sector oras na maging available na ang bakuna kontra CoVid-19. (CYNTHIA MARTIN)