Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DILG sa Senado: P5-B pondo ilaan sa contact tracers

SA PATULOY na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng CoVid-19, umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Senado na ilaan ang P5 bilyon mula sa P162 bilyong pondo na malilikha sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One” bill, sa pagkuha at pagsasanay ng may 50,000 contact tracers upang palakasin ang contact tracing capability at maiwasan ang lalo pang paglala ng hawahan ng virus sa bansa.

Base sa liham na ipinadala ni DILG Secretary Eduardo Año kina Senate President Vicente Sotto III, at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ipinanukala niya ang hiring at training ng mga kalipikado at competent na mga tao para magsilbing miyembro ng contact tracing teams simula Setyembre 2020, na may katumbas na budget na P5 bilyon.

Paliwanag ni Año,  bagamat ang contact tracing efforts ng pamahalaan ay isinasagawa ng mahigit sa 7,000 contact tracing teams, na binubuo ng mahigit sa 85,000 contact tracers, kailangan pa rin ng bansa na mag-hire ng may 50,000 contact tracers upang maabot ang inirerekomendang ratio ng World Health Organization (WHO) na 1:800 o isang contact tracer sa bawat 800 tao.

“With a projected population of 108 million this year, we need 50,000 more contact tracers to attain the ideal number of 135,000 contact tracers to pursue quick and credible tracing of close contacts of confirmed COVID-19 patients,” pahayag ni Año.

Sinabi ni Año, ang kasalukuyang bilang ng contact tracers sa bansa ay hindi pa abot sa rekomendasyon ng Contact Tracing czar na si Baguio City Mayor Benjie Magalong, na 1:37 patient to close contacts ratio, upang maputol ang transmission ng sakit.

Sa pagkuha ng contact tracer, nabatid na ipinanukala ng DILG na maging minimum qualification standards ang pagiging graduate nito ng Bachelor’s degree on Allied Medical Courses o Criminology; pagkakaroon ng one-year relevant experience; at apat na oras na relevant training.

Bibigyan ng ikalawang prayoridad ang mga nakakompleto ng dalawang taong college education sa medical o criminology related courses ngunit dapat na mayroon silang relevant training at experience.

Ang pag-upa ng contact tracers ay ipapasilidad ng DILG regional offices sa tulong ng DILG provincial, city, at municipal offices, na mag-i-screen sa mga aplikante.

Sa 50,000 contact tracers na plano nilang kunin, 20,000 ang nakatakdang i-deploy sa Luzon, 15,000 sa Visayas, at panibagong 15,000 sa Mindanao. Kung kakailanganin aniya, magtatalaga rin sila ng dagdag pang contract tracers sa Metro Manila at iba pang CoVid-19 hot spots. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …