Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BI Modernization Act isinusulong sa Senado

ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang Bureau of Immigration Modernization Act of 2020 sa pamamagitan ng Senate Bill 1649.

 

Sinabi ni Go, layon nitong maamyendahan ang lumang batas para mas mapabuti ang serbisyo ng Immigration, mas maaalagaan ang mga Filipino at mas maprotektahan ang bansa sa iba’t ibang panganib na puwedeng dumaan.

 

Ipinaliwanag ni Go, taong 1940 naisabatas ang Philippine Immigration Act at sa rami ng mga nangyari at puwede pang mangyari sa hinaharap,  panahon na para gawing moderno ang immigration services.

 

Nakasaad sa panukala ni Go, magkaroon ng improved guidelines para ma-monitor ang mga dayuhan  na papasok sa bansa.

 

Giit ni Go, first line of defense ng bansa ang Bureau of Immigration, kaya naman dapat unahan ng bansa ang nagbabagong anyo at diskarte  ng mga dayuhang may masamang balak at magsasamantala sa mga Pinoy.

 

Nakapaloob din sa panukala ang pagkategorya sa mga non-immigrants at types ng visa gaya ng temporary visitors, transit persons, treaty traders and investor, accredited government officials, students, pre-arranged employment, religious  workers, representatives of accredited international organization, government agencies, media workers, exchange visitors, refugees at special non-immigrants.

 

Mapapabuti rin sa panukala ang compensation scheme ng mga nagtatrabaho sa ahensiya kaya maiiwasan ang katiwalian at mas mabibigayn sila ng kapasidad na pagbutihin ang kanilang trabaho. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …