PINALAGAN ni Jennylyn Mercado ang banat ng isang netizen (@GeronoGloria) sa Twitter na maging neutral sa isyu ng ABS-CBN franchise para hindi ma-bash dahil hindi naman siya Kapamilya star.
Buwelta ng Kapuso actress, “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice.
“If being “bashed” is a small price to pay for practicing my freedom to freedom of speech, then I am with it.”
Sa usapin ng ABS-CBN franchise, naging vocal si Jen sa paghayag ng suporta lalo na sa mga nawalan ng trabaho. Kaya sinabihan siya ng ilang netizens na huwag makialam, shut up o masalita
“Kelan naging mali ang “mangelam” o speak out. Have you forgotten, that one of our basic rights ay Kalayaan ng Pananalita.
“The moment you hinder someone from speaking their mind is the moment you failed to respect the rigthts of your fellow Filipinos,” diin ni Jennylyn.
Contract star man ng GMA Network, nakagawa naman ng pelikula si Jen sa Star Cinema na film outfit ng Channel 2.
I-FLEX
ni Jun Nardo