Saturday , November 16 2024

Face mask epektibong panlaban vs COVID-19

BINIGYANG DIIN ng Department of Health (DOH) ang kahala­gahan ng pagsusuot ng face mask bilang epektibong panlaban sa impeksiyon ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecreatry Maria Rosario Vergeire, ilang pag-aaral na ang nagsabing may 85 percent tsansang maba­wasan ang risk o posibilidad na mahawaan ng COVID-19 ang isang indibidwal na nakasuot ng face mask.

Kung susundin naman daw ang physical distancing na isang metro, 80-percent ang risk sa pagkahawa ang mababawas.

“This is why our healthcare workers use N95 masks and conduct strict infection prevention and control measures,” ani Vergeire.

“Kami po ay nananawagan sa inyong lahat na gawin lagi ang ating minimum health standards, katulad ng pagsusuot ng mask, madalas na paghuhugas ng kamay, physical distancing, at iba pa lalong-lalo sa mga lugar na sarado, naka-aircon, at walang maayos na ventilation,” dagdag ng opisyal.

Kamakailan, nang kilalanin ng World Health Organization (WHO) ang pahayag ng ilang doktor na nagsabing posible ang ‘airborne’ transmission ng sakit.

“A susceptible person could inhale aerosols, and could become infected if the aerosols contain the virus in sufficient quantity to cause infection within the recipient,” ayon sa WHO report.

Aminado si Vergeire na may ilang hindi sumusunod nang tama sa ipinatupad na minimum health standards, pero hindi umano ibig sabihin nito na posibleng ibalik ang implementasyon ng enhanced community quarantine.

“Marami pa rin ang nakalilimot sa ating minimum health protocols. Maaaring ang kailangan natin ay hindi ang pagbalik sa enhanced community quarantine kundi maging mas mahigpit sa pagpa­patupad at pagsunod sa mga itinakdang health protocol.”

“Huwag po tayong maging kampante. Sa halip, patuloy po tayong maging responsable. Alagaan po natin ang ating mga sarili, ang ating mga mahal sa buhay, at ang iba pang miyembro ng ating komunidad. Sa kamay po nating lahat naka­salalay ang kaligtasan at kagalingan ng bawat isa,” ayon sa DOH spokesperson.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na magtulungan para protektahan sa sakit ang “vulnerable sector” tulad ng matatanda, maysakit at mga bata.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *