Monday , December 23 2024
Quezon City QC Joy Belmonte

QC Mayor Belmonte hindi nagsising positibo sa COVID 

INIHAYAG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang  pakikisalamuha sa kaniyang ‘constituents’ ang dahilan kung bakit siya naging COVID-positive subalit hindi umano niya ito pinagsisisihan.

 

Inamin ni Belmonte na siya ay positibo sa virus sa pamamagitan ng facebook page ng QC Government.

 

Ayon kay Belmonte sinunod niya lahat ng ‘protocols’ ng Department of Health (DOH) ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa naturang sakit.

 

Sinabi ng alkalde, sa kasalukuyan ay sinimulan ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang ‘contact tracing’ at pansamantalang isasara ang kaniyang tanggapan at ilang common areas para bigyang daan ang ‘disinfecting.’

 

“Dahil sa pagdalaw sa ating health centers at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan.

 

“Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap,”paskil ni Belmonte sa FB page.

 

Aniya, nangyari pa rin ito sa kanya sa kabila ng ibayong pag-iingat, tulad ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing.

 

Giit ng alkalde, magsilbi sanang paalala sa publiko ang nangyari sa kanya na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan nang lubusan.

 

Tiniyak ni Belmonte, patuloy ang serbisyo at gawain ng lokal na pamahalaan sa kabila na siya ay sasailalim sa quarantine.

 

“Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City,” dagdag ng alkalde. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *