Monday , December 23 2024
Helping Hand senior citizen
Helping Hand senior citizen

Benepisyo ng Centenarians ibigay nang mabilis – Go

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)  at iba pang concerned agencies na pabilisin  ang pagbibigay ng benepisyo sa mga centenarian base sa nakasaad sa batas.

 

Ito ay pagsasaprayoridad sa kapakanan ng matatanda lalo ngayong mayroong kinakaharap na health crisis bunsod ng pandemyang COVID-19.

 

Sinabi ni Go, hindi na dapat pahirapan ang 100 years old  sa paghihintay ng kanilang benepisyo na nakasaad sa batas na dapat bigyan ng P100,000 mula sa gobyerno.

 

Binigyang diin ni Go, malaki ang magagawa ng ibibigay na tulong ng gobyerno sa pang-araw-araw na gastusin ng centenarians hindi lamang ngayong panahon ng pandemic kundi dahil sila ay nararapat.

 

Ang panawagan ni Senator Go ay nag-ugat nang makarating sa kanyang tanggapan na isang Aurea Corpuz mula sa Alaminos, Pangasinan ang naghihintay sa kanyang cash gift mula nang magdiwang ng kanyang  100th birthday noon pang August 2019.

 

Kaugnay nito, tiniyak ng DSWD na matatanggap ni Lola Aurea ang kanyang benepisyo ngayong linggo.

 

Ipinaalala ni Go, na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabing  huwag patagalin  ang serbisyo at benepisyo para sa tao. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *