Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Go nagpaalala sa mamamayan na ‘wag kampante

PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang samba­yanan na huwag mag­pakampante hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Go, hindi pa ligtas ang sambayanan sa pandemic habang patuloy ang gobyerno sa pagsisikap para maibigay ang mga serbisyong para sa bayan.

Ayon kay Go, bilang mambabatas ay hindi niya lilimitahan ang sarili niya sa kanyang gawain sa lehislatura sa halip ay tutulong siya sa sam­bayanan sa abot ng kanyang makakaya.

Muling ipinaalala ni Go sa sambayanan na makinig sa health protocols at manatili muna sa loob ng tahanan kung maaari.

Samantala, iginiit ni Go, prayoridad ng pama­ha­laan ang kaligtasan ng mga mag-aaral kaya hinahanapan ng paraan ang ibang estilo ng pagtuturo nang hindi kailangan ng physical o face-to-face teaching.

Inihayag ni Go, batid ng gobyerno na hirap na rin ang business sector kaya naman pilit na naghahanap ng paraan ang gobyerno para maka­tulong sa pamamagitan ng mga subsidy.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …