Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PANDE LEE MIN HO, sagot ni Ai Ai sa mga kuyog na basher

KINUYOG si Ai Ai de las Alas ng fans ng K-drama actor na si Lee Min Ho. Fan din si Ai Ai ng Korean actor pero hindi niya nagustuhan ang series nitong The King.

 

Bahagi ng post ni Ai sa Instagram, “Sorry idol kita magaling ka pa rin actor pero yung flow ng story waley talaga.”

 

Kaliwa’t kanang banat ng fans ni Lee ang natanggap ng Comedy Queen kaya hayun, trending ang hashtag na #Ai Ai sa Twitter nitong nakaraang mga araw.

 

Pero hindi nagpatinag si Ai Ai. Nagpaka-positive siya sa mga negative na bira sa kanya, huh! Ang resulta?

 

Gumawa siya ng tinapay na pinangalanan niyang PANDE LEE MIN HO! Ipinangalandakan ito ni Ai sa kanyang IG.

 

May ube rin ito pero korteng letrang L for Lee. Bahagi ng caption niya, “Soon gagawa pa ako ng UBE PANE LEE MIN LOAF!”

 

Sa bashing na tinanggap ng Comedy Queen, “When life gives you leamons…make lemonade…”

 

Sa totoo lang, nahasa ang baking skills ni Ai Ai ngayong lockdown at bentang-benta ang gawa niyang ube cheese pandesal, huh!

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …