Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Go kampanteng promdis sa BP hindi babalik sa Metro Manila

KOMPIYANSA si Senador Christopher “Bong” Go na hindi babalik sa Metro Manila ang mga pamilyang  tumugon sa Balik-Probinsiya (BP) program ng pamahalaan na naglalayong maibsan ang matinding siksikan ng populasyon sa Kamaynilaan sa gitna ng pandemyang  coronavirus (COVID-19).

Sinabi ni Go, marami sa mga pumasok programa ay nagsabing naunsiyami sila sa mga naranasan nila sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil bunsod ng COVID-19.

Ipinaliwanag ng senador, kung sustainability ang pag-uusapan,  tutulungan ng  17 government agencies ang mga pamilyang  uuwi sa mga lalawigan para maging  maayos ang pagsisimula nila ng kanilang  buhay sa lalawigan.

Bukod sa mga livelihood at financial assistance, sinabi ni Go na base sa report, mayroon pang  180,000 government land na puwedeng pagtayuan  ng mga murang pabahay para sa mga benepisaryo.

Aniay, kapag naibigay ang pangangailangan ng mga nagbalik-probinsiya, hindi na nila nanaisin pang bumalik sa masikip na Metro Manila. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …