Wednesday , December 4 2024

Socmed influencer Francis Leo Marcos bagong super milyonaryo?

 

IBANG klase talaga ang social media.

        Minsan, ‘yung mga taong nakasalubong mo sa isang lugar na iyong pinupuntahan, nakahuntahn, napa-stake sa isang poker house, ‘e magugulat ka na lang na biglang pinag-uusapan sa social media.

        Gaya ng maingay na pinag-uusapan sa social media ngayon na si Francis Leo Marcos a.k.a. FLM, mantakin ninyong truck, truck na sako ng bigas ang ipinamamahagi sa mahihirap ngayong panahon na marami ang apektado ng COVID-19?

        Hindi lang ‘yan, lahat ng comment, sa mga post niya sa kanyang hindi lang iisa, o dalawa, o tatlong account sa Facebook kundi sandamakmak, e pawang paghingi ng tulong ng mga labis na nangangailangan.

        Si FLM na nga ba ang bagong super-milyonaryong pilantropo ngayon sa ating lipunan?

        Yes, bukod sa kanyang page ay mayroon pang 5 accounts si Francis Leo Marcos, na ngayon ay kanyang ginagamit para malaman ng publiko ang kanyang mga ginagawa.

Sabi nga, pambihira sa pagiging generous si FLM, lalo na kung ang lahat ng humingi ng tulong ay kanyang natutugunan.

Napansin din natin, sa bawat kawanggawa ni Francis Leo Marcos ay kasama niya ang isang Chinese looking-man na ipinakikilala niyang si Bernard Chong.

Si Chong kaya ang kanyang lucky charm na business partner? Mukhang pinagpala na talaga si FLM ng magandang kapalaran, buenas na buenas.

Mantakin ninyong mula sa pagiging tambay sa poker house ‘e isa na siyang ‘super milyonaryo’ ngayon na dinaig pa ang pilantropong si James Dy sa pagtulong sa mahihirap nating mga kababayan?

Base sa kanyang Facebook account, siya ay Chief Executive Officer (CEO) at Chairman ng Marcos Group of Companies.

Naalala pa natin noong araw nang madalas nating nasasalubong sa poker house si FLM. Kapag medyo laglag ang balikat ‘e bubulong sa atin — “Boss pa-stake naman.”

At kahit marami ang nagsasabing huwag siyang ipa-stake, e pinag-i-stake natin siya.

Siguro nga e may kakaibang lakas ng loob si FLM noon pa man, kaya kahit wala siyang pang-poker, nakapaglalaro siya sa pamamagitan ng ‘stake’.  

Sa ngayon nga ay patok ang kanyang “Mayaman Challenge” bilang hamon sa iba pang mayayaman na sumasama sa ginagawa niyang pagkakawanggawa.

Halimbawa, nagbigay siya 250 sacks of rice sa isang lugar, kasunod nito’y hahamunin niya ang ibang may kakayahan na magbigay ng donasyon para tapatan ang ibinigay niya.

Kaya marami ang bumibilib sa kanya sa social media. Pero, ang ipinagtataka natin, bakit kailangang maging masyadong maingay ni FLM hinggil sa kanyang mga ginagawang pagkakawanggawa sa social media?!

At masyado niyang ipinamamarali na siya ay super-milyonaryo?

Brod FLM, sana’y natatandaan mo pa ako, the magic word is — STAKE — remember?!

Unsolicited advice lang, kung talagang super-milyonaryo ka na, hindi mo na kailangan mag-ingay. Puwede kang tumulong sa tahimik na paraan.

Sabi nga sa Biblia, ang ginagawa ng iyong kanang kamay ay hindi na kailangang malaman ng iyong kaliwang kamay.

At kung ikaw man ay nagtatampisaw ngayon sa salapi, hindi na rin kailangan ipamarali — kuwidaw… baka habulin ka ng BIR (Bureau of Internal Revenue).

Alam nating maraming tagahanga o followers sa social media si FLM — ang masasabi lang po natin, pulutin ang tama sa inyong mga iniidolo. Lahat ng mali at kayabangan, huwag pong tularan.

Kay FLM: Do good things and good things will happen to you. No need to be a braggart.

One more thing: What goes around, comes around. Karma rules! 

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *