Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagawaan ng pekeng alcohol bistado, Tsinoy arestado

KALABOSO ang isang Tsinoy na nagmamanupaktura ng pekeng alcohol matapos ireklamo ng kanyang mga kapitbahay at opisyal ng barangay, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni MPD PIO P/Lt. Col. Carlo Manuel, kinilala ang suspek na si Robert Tiu Teng, may address sa Dayao St., Tondo, Maynila at nadakip rin ang ilang tauhan na hindi pa pinangalanan at kasama sa mga inaresto.

Ayon kay Manila Police District Balut Station (MPD-PS1) commander P/Lt. Col. Christopher Navida, ikinasa ang operasyon dakong 10:30 am.

Naaresto ang suspek matapos ang isinagawang test buy ng mga operatiba sa nasabing lugar.

Kasunod nito, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang bodega na sinasabing gawaan ng mga pekeng alcohol.

Magugunitang nagkaubusan ng mga tindang alcohol sa botika at medical stores dahil sa COVID-19.

Iniimbestigahan nina P/Lt. Col. Christopher Navida ang mga suspek upang matukoy kung may iba pang bodega ng pekeng alcohol. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …