Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halimuyak CEO Nilda Tuason, proud sa kanilang produkto

NA-SURPRISE ang CEO ng CN Halimuyak Philippines na si Ms. Nilda Tuason sa ginanap na birthday celebration ni Klinton Start. May part kasi rito na kinantahan siya ni Klinton with matching birthday cake pa, then, biglang dumating ang sisters niyang sina Jenniefer Mercado at Christine Pearl Mercado, kaya speechless siya.

“Kasi dati naka-attend na ako ng birthday ni Klinton pero same group lang tayo, same people pero nagulat ako kasi bakit nandito ito, e ang layo ng bahay nila. Very unusual, kasi everytime na nagbi-birthday ako, wala naman talagang celebration kasi busy rin iyang mga batang kapatid ko at hindi sila nagda-drive, nagbu-bus sila, so mahirap. Parang naiyak naman ako kasi nag-take pa sila ng time para pumunta. Sila Ann at Klinton ang nag-prepare nito kaya pasalamat naman ako sa kanila,” aniya.

Ano ang birthday wish niya? “Ipinagdarasal ko palagi na tangkilikin pa rin ng tao ‘yung gawang Filipino tulad nitong Halimuyak, at mas marami pa tayong matulungan. Alam n’yo naman, mahirap ang buhay. Iyong kaunting maitutulong natin, malaking bagay para sa kanila. Kahit hindi ganoon kalaki at least pagtulong pa rin sa kapwa ‘yun. Malaking tulong po para sa maliit na company tulad ng CN Halimuyak ngunit may matapat at mabuting hangarin para sa produktong sariling atin, produktong galing sa puso ng isang tunay na Filipino!” wika ni Ms. Nilda.

Pinupuri rin niya ang brand ambassador niyang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton. “Itinuring ko na kasi siyang anak, e, kasi wala akong bunso ngayon na kasama. Tapos gusto ko lang sa araw na ito, sa araw ng kanyang kaarawan, nagkataon kasi na February 4 siya, February 5 ako, so parang magkarugtong kami.

“Ang tingin ko talaga sa kanya ay maganda siyang halimbawa ng isang kabataan, kasi sa murang edad marunong siyang magpahalaga lalo sa mga taong nagmamahal sa kanya, sa mga kaibigan niya,” sambit ni Ms. Nilda.

Si Klinton ang isa sa pambato sa noontime show ng SMAC Television Production na Yes Yes Show na mapapanood sa IBC 13 every Saturday from 11am to 1pm. Directed by Jay Garcia, kasama rito sina Awra Briguela, Justin Lee, Mateo San Juan, Rish Ramos, JB Paguio, Hashtag Jimboy Martin, Rayantha Leigh, Kikay Mikay, Isiah Tiglao, Karen Reyes, at Patrick Quiros.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …