Monday , December 23 2024

Sen. Bato nag-tantrum sa Senado

HINDI pa ‘feel’ ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang pagiging ‘mambabatas’ o states­man.

Ito ang pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaugnay ng inasal ni Senador Bato nang mag-alboroto dahil hindi pinaboran ng mga kapwa mambabatas ang resolusyong hinihiling sa Korte Suprema na mag­labas ng ruling kung kinakailangan o hindi ng partisipasyon ng senado sa abrogasyon ng mga tratadong pinasok ng Filipinas.

Naunang nagpaha­yag si Sen. Bato na miyem­bro nga sila ng mayorya ngunit para silang minorya sa senado.

Paliwanag ni Sotto, hindi porke miyembro ng majority ay laging iisa lahat ng boto.

Aniya, ito ang Philip­pine Senate na independent ang bawat isa sa mga opinyon sa bawat isyu na tinatalakay sa plenaryo.

Kaya nga, aniya, mayroong open debate sa plenary para ipaglaban ang kanya-kanyang opi­nyon para makuha ang boto ng mga kapwa senador.

Dagdag ni Sotto, kung hindi makakuha ng boto hindi dapat sumama ang loob ng isang senador dahil ito ang nakagawian ng senado.

Inihalimbawa ni Sotto ang mga nakaraang kongre­so na nagkaka­si­gawan ang mga betera­nong mambabatas pero matapos ang debate walang nagtatanim ng sama ng loob.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *