Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis igalang ‘wag katakutan — Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso na ganito ang muling mangyari sa kanyang panahon ng panunung­kulan sa lungsod ng Maynila.

Kasabay ito ng pag­hikayat ni Isko sa mga  opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) na  maibalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis tulad noong mga naunang panahon.

Ito ay pahayag Mayor Isko sa kanyang pagsa­salita sa harap ng mga opisyal at tauhan ng MPD sa  ginanap na programa kahapoon ng umaga sa 119th Founding Anniversary  ng MPD sa Headquarters.

“Gusto nating makita iyong panahon na igina­alang at  hindi kinatata­kutan ang mga pulis Maynila na aking kinagis­nan,” ani Isko.

“Pag dumating na ‘yung mga lespu, nasa ledgi na kami at pag­dating ng gabi uwi na kami,” ayon pa kay Isko.

Naniniwala rin ang alkalde, sa patuloy na internal cleansing ng apulisya ay hindi na dapat maging had­lang  ang mga tiwaling pulis  para makuha ang respeto ng  publiko.

“Kailangan magka­roon ng malinis, maa­liwalas at panatag ang lungsod ng Maynila. Dapat ay magalang desidido, diplomatiko pero may sundot, saan sila nakakita na bago ka hulihin ay pinagsasabihan natin. Kahit mahaba ang  pasensiya ko hang­gang pangasinan, pero me tuldok ‘yan,” dagdag ni Moreno.

Kaugnay nito, muling Nananwagan si Isko sa lawless elements and criminals at wanted persons na magbago at magpalit ng address dahil hindi sila welcome at hindi sila titigilan ng mahabang kamay ng batas sa Maynila.

Nabatid Kay Moreno na isang makabago at magandang gusali ang planong ipagawa para sa MPD sa mga susunod na taon.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …